Karneng baboy sa merkado ligtas – DA

“LIGTAS ang mga kar­neng baboy na ibinebenta sa merkado.”

karneng baboy sa merkado ligtas da - Karneng baboy sa merkado ligtas – DA
ABANTE baboy - Karneng baboy sa merkado ligtas – DA

“LIGTAS ang mga kar­neng baboy na ibinebenta sa merkado.”

Ito ang pahayag kahapon ni Department of Agriculture (DA) spokesperson Noel Reyes sa ginanap na pulong balitaan sa Makati City.

Ayon kay Reyes, ligtas ang mga karneng baboy na binebenta sa mga palengke matapos maiulat ang pagkamatay ng mga baboy sa ilang lugar sa lalawigan ng Rizal.

Sinabi pa ng taga­pagsalita ng DA, nagpapatupad sila ngayon ng 1-7-10 protocol na pinatutupad lang kung mayroong malakihang economic animal disease na tumatama sa bansa.

Aniya, kinatay na ang lahat ng mga baboy na nakapaloob sa one kilometer radius kaya walang magaganap na outbreak.

Nasa quarantine procedures din ngayon ang lahat ng baboy na nakapaloob sa seven kilometer radius at mahigpit ding nagpapatupad ng checkpoint sa loob ng 10 kilometer radius sa mga apektadong lugar.

Hindi pa naman makumpirma ng DA kung African Swine Fever nga ba ang tumama sa mga babuyan sa Rizal at aabutin pa ng dalawang linggo o ilang buwan bago matanggap ng pamahalaan ang laboratory result mula sa Europa.

Tiniyak naman ni Reyes na binabalangkas na ng pamahalaan ang tulong na kanilang ibibigay sa mga apektadong hog raiser at ilalabas nila ang lahat ng bagong impormasyon sa 3rd bulletin na kanilang ilalabas sa lalong madaling panahon.

“Hindi ko puwedeng sabihin ang mga lugar kung saan namatay ang mga alagang baboy. Hindi rin natin tiyak kung ito ba ay may kaugnayan sa sakit na african swine fever basta’t hintayin na lang natin ang resulta mula sa Europe,” paha­yag ni Reyes.

Hinihikayat naman ng DA ang publiko na i-report sa kanila o sa kinauukulan ang anumang insidente ng pagkamatay ng mga alagang baboy o kaya tumawag sa numberong 0995-132-1339. (Armida Rico/Riz Dominguez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *