Karneng baboy galing Luzon bantay-sarado sa Cebu

Dahil sa mahigpit na pagmo-mononitor ng mga awtoridad sa mga karne ng baboy mula sa Luzon kasunod ng pagkalat ng African swine fever (ASF), patago na diumano itong ibinebenta sa ilang palengke sa Cebu.

karneng baboy galing luzon bantay sarado sa cebu - Karneng baboy galing Luzon bantay-sarado sa Cebu
pork - Karneng baboy galing Luzon bantay-sarado sa Cebu

Dahil sa mahigpit na pagmo-mononitor ng mga awtoridad sa mga karne ng baboy mula sa Luzon kasunod ng pagkalat ng African swine fever (ASF), patago na diumano itong ibinebenta sa ilang palengke sa Cebu.

Ayon sa ASF Task Force, kumanta sa kanila ang ilang tindero na may nagbabagsak sa kanila ng mga karne ng baboy mula sa Luzon na tila nakikipagtaguan sila sa mga gumagalang task force.

Partikular kasi na nakitaan ng maraming karne ng baboy sa Talisay City kaya naman kabilaan ang ginagawang pagmo-monitor ng task force sa mga nagbabagsak ng baboy sa kabila ng pagbabawal ng lokal na pamahalaan ng Cebu sa pagbebenta nito.

Nagbabala pa ang mga awtoridad sa lahat ng mga tindero at kumukuha ng karne na kung susuway sa kautusan ay hindi lamang makukumpiska ang kanilang mga produkto dahil sasampahan din sila ng kaukulang kaso kung mapatutunayang nagbebenta at nagpasok ng mga baboy at pork product sa Cebu. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *