Karne ng baboy SRP tumaas

Itinaas ng Department of Agriculture ang suggested retail price ng baboy sa Metro Manila ng P30 per kilo alinsunod sa Administrative Circular No. 14 na pinirmahan ni DA Secretary William Dar.

The post Karne ng baboy SRP tumaas first appeared on Abante.

karne ng baboy srp tumaas - Karne ng baboy SRP tumaas
Baboy - Karne ng baboy SRP tumaas

Itinaas ng Department of Agriculture ang suggested retail price ng baboy sa Metro Manila ng P30 per kilo alinsunod sa Administrative Circular No. 14 na pinirmahan ni DA Secretary William Dar.

Ayon sa AC No. 14 na pinirmahan nitong Oktubre 28, nasa P280 per kilo na ang SRP ng liempo ng baboy at P260 per kilo na ang pigue at kasim sa lahat ng palengke at mga supermarket sa Metro Manila.

Sumirit sa P439 per kilo ang presyo ng liempo nakaraang linggo.

Nauna nang umaakyat ang presyo ng baboy dahil muling kumalat ang ASF sa Luzon matapos magluwag ang pamahalaan sa pagbibiyahe ng mga tao.

Binabago ng AC No. 14 ang kautusan din ni Dar nung June 25, 2020 na naglalagay ng SRP ng liempo sa P250 per kilo at ng kasim at pigue sa P230 per kilo na nakapaloob naman sa AC No. 07.

Noong Pebrero 20, 2020 ay ipako sa P190 per kilo ang presyo ng pigue at kasim nang naglabas ng SRP si Dar para sa 9 agricultural commodities sa ilalim ng AC No. 1 series of 2020.

Sa kabila ng pagtataas ng SRP ng baboy, iginiit ni Dar na may sapat na suplay nito sa bansa.

Wala pang napanagot ang DA sa pagbebenta ng lampas sa SRP ng baboy simula na naglagay ito ng SRP sa baboy noong Pebrero.(Eileen Mencias)

The post Karne ng baboy SRP tumaas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *