Karnaper nanlaban sa pulis, utas

Kamatayan ang kinahantungan ng 44-anyos na carnapper makaraang makaengkuwentro ng mga pulis na pinagtangkaang bentahan ng nakaw na motorsiklo noong Miyerkoles nang gabi sa Brgy. Liwayway, Santa Rosa, Nueva Ecija.

The post Karnaper nanlaban sa pulis, utas appeared first on Abante News Online.

karnaper nanlaban sa pulis utas - Karnaper nanlaban sa pulis, utas
crime 3 - Karnaper nanlaban sa pulis, utas

Kamatayan ang kinahantungan ng 44-anyos na carnapper makaraang makaengkuwentro ng mga pulis na pinagtangkaang bentahan ng nakaw na motorsiklo noong Miyerkoles nang gabi sa Brgy. Liwayway, Santa Rosa, Nueva Ecija.

Batay sa ulat ni P/Maj. Steve de la Cruz nakilala ang napaslang na si Ernesto Yauco Pecana, resi-dente ng Bo. Militar, Ft. Magsaysay Palayan City, Nueva Ecija.

Nabatid na dakong alas-9:55 nang gabi nang nagsasagawa ng pakikipagtransaksiyon si Pecana sa binebentahan ng motorsiklo, na isang underco-ver na police operative.

Hanggang natunugan ni Pecana na pulis ang katransaksiyon kaya’t bumunot ito ng nakasukbit na baril at pinutukan nito ang pulis pero hindi tumama.

Sa pagganti ng putok ng pulis ay napuruhan si Pecana na namatay bago malapatan ng lunas sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital sa Cabanatuan City.

Inaalam pa ng mga tauhan ni Dela Cruz ang tunay na may-ari ng ibinebentang motorsiklo at kung paano ito napasakamay ni Pecana. (Jojo De Guzman)

The post Karnaper nanlaban sa pulis, utas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *