Kapitan ng barangay patay sa pamamaril

Trigger happy nakapatay ng 3, sugatan ang 6 sa Rizal

PATAY ang isang barangay captain matapos na ito ay pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa Tiaong, Quezon Miyerkoles nang gabi.

kapitan ng barangay patay sa pamamaril - Kapitan ng barangay patay sa pamamaril
baril 5 - Kapitan ng barangay patay sa pamamaril

PATAY ang isang barangay captain matapos na ito ay pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa Tiaong, Quezon Miyerkoles nang gabi.

Kinilala ng Tiaong Police ang biktima na si Ildefonso De Vero Belda, 55-anyos, residente at chairman ng Barangay Behia.

Batay sa report, binaril ang biktima habang ito ay nakatayo sa harap ng bahay ng isa nitong kabarangay sa Sityo Sila­ngan ng nasabing barangay dakong alas-8:30 nang gabi.

Kalalabas lamang umano ng biktima sa bahay at papaalis na habang hinihintay lamang ang kasama nito na nagsasarado ng gate nang big­lang lumapit ang nag-aabang na suspek.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad isinugod sa ospital sa bayan ng Tiaong samantalang tumakas naman ang hindi nakila­lang suspek na naglakad lamang papalayo.

Nasawi rin ang ka­pitan habang nilalapatan ng lunas sa pinaglipatan na Quezon Medical Center sa Lucena City.

Patuloy naman ang malalimang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung sino ang suspek at ano ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *