Kapayapaan sa mga pagawaan napanatili

Maraming kompan­ya at establisimyento sa buong bansa ang patuloy na nagtatamasa ng magandang relasyon sa pagitan ng manggagawa at mamumuhunan sa pamamagitan ng pinalakas na programang workplace relation and enhancement ng pamahalaan.

The post Kapayapaan sa mga pagawaan napanatili appeared first on Abante News Online.

kapayapaan sa mga pagawaan napanatili - Kapayapaan sa mga pagawaan napanatili
maggagawa - Kapayapaan sa mga pagawaan napanatili

Maraming kompan­ya at establisimyento sa buong bansa ang patuloy na nagtatamasa ng magandang relasyon sa pagitan ng manggagawa at mamumuhunan sa pamamagitan ng pinalakas na programang workplace relation and enhancement ng pamahalaan.

Batay sa pinakahu­ling ulat ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB), 3,409 mula sa 3,506 o 97.2 porsiyento ng kompanyang may prog­ramang Labor Management Coope­ration (LMC) ang hindi nasangkot sa alinmang strike at lockout nga­yong 2019.

Ang LMC, isang programa ng labor department, ang tumutulong sa manggagawa at mamumuhunan upang magkasama nilang makamit ang kanilang layunin gamit ang napagkasunduang paraan ng pagpapalitan ng impormasyon, talakayan, konsultas­yon, at negosasyon.

“Ang pagpapahusay ng relasyon sa lugar-paggawa ay isa sa epektibong istratehiya ng DOLE-NCMB na tumitiyak sa magandang relasyon sa pagitan ng manggagawa at employer, gayundin ang pana­natili ng maayos na relasyon sa paggawa na mahalaga para maging produktibo,” wika ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Nitong Mayo 2019, may 875 LMC ang sumailalim sa productivity seminar at pagsasanay sa occupational safety and health, pagsunod sa mga batas-paggawa, at pagtalakay sa family welfare program. (Mina Aquino)

The post Kapayapaan sa mga pagawaan napanatili appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *