Kapag isinapribado Pagcor, PCSO kikita ng 300B kada taon

MADADAGDAGAN ng P300 bil­yon kada taon ang kaban ng bayan kung isasapribado ng pamahalaan ang gaming industry sa bansa.

kapag isinapribado pagcor pcso kikita ng 300b kada taon - Kapag isinapribado Pagcor, PCSO kikita ng 300B kada taon
pagcor x pcso - Kapag isinapribado Pagcor, PCSO kikita ng 300B kada taon

MADADAGDAGAN ng P300 bil­yon kada taon ang kaban ng bayan kung isasapribado ng pamahalaan ang gaming industry sa bansa.

Sa budget hearing ng Department of Finance kahapon, tinanong ni Drilon si Finance Secretary Carlos Dominguez tungkol sa plano nilang pagsapribado ng gaming industry na ngayo’y pinapatakbo ng Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sabi ni Dominguez, kapag natuloy ang plano, maaaring kumubra ang gobyerno ng karagdagang P300 bilyon bawat taon ng walang kahirap-hirap.

Ayon kay Drilon, ang kikitaing ito ng gobyerno ay mas malaki pa sa buwis na inaa­sahang makokolekta mula sa panibagong sin tax mula sa alcohol at e-cigarette na P37 bilyon sa unang taon.

“I think if you privatize the gaming industry, you will rea­lize 10 times more than what you can get from the sin taxes on alcohol and e-cigarettes,” ani Drilon.

“It is a rich source of revenue which I strongly feel is not being tapped properly. Do not let go of the low-hanging fruit that can generate huge revenues,” dagdag nito.

Sa GOCC Governance Act, kung saan author si Drilon, nakasaad doon na pinapayagan ang presidente na amyendahan ang charter ng mga state-owned corporation, kabilang ang Pagcor at PCSO na hindi na dadaan sa Kongreso.

Sinang-ayunan pa ni Dominguez si Drilon sa pahayag nitong hindi dapat umaktong parehong regulator at operator ang Pagcor ng gaming industry sa bansa.

“All over the world, in all jurisdictions where there is a gaming industry, the government only limits its role to regulatory, the state is never involved in gambling itself, because of the basic conflict of interest since you are regulating yourself,” ani Drilon

(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *