Kapa itinangging sangkot sa investment scam

Bibigyan ng pagkakataon ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na sumagot sa pagtanggi ng Kapa Community Ministry sa alegasyong nasasangkot umano ang mga ito sa investment scam.

kapa itinangging sangkot sa investment scam - Kapa itinangging sangkot sa investment scam
kapa 6 - Kapa itinangging sangkot sa investment scam

Bibigyan ng pagkakataon ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na sumagot sa pagtanggi ng Kapa Community Ministry sa alegasyong nasasangkot umano ang mga ito sa investment scam.

Ito ang kinumpirma ni Assistant State Prosecutor Maria Lourdes Uy, ang nagsasagawa ng preliminary investigation sa reklamong inihain kontra Kapa, kasunod ng manipesto ng NBI na maghain naman ng kanilang sagot sa kontra-salaysay ng respondents.

Sa October 21, nakatakda ang paghahain ng NBI ng kanilang sagot.

Samantala, sinabi naman ni Uy na hindi lahat ng respondents ay nakapaghain ng kani-kanilang counter-affidavits tulad ni Joel Apolinario at asawa nitong si Reyna noong October 1.

Ang mga hindi nakapagsumite ng kanilang kontra-salaysay ay bibigyan pa ng isa pang pagkakataon na maghain ng kanilang

counter-affidavits hanggang ngayong Miyerkoles.

Inakusahan ng NBI ang Kapa dahil umano sa limang bilang ng paglabag nito sa Sections 8 at 26 in relation to 73 ng Securities and Regulations Code at wlaong bilang naman ng syndicated estafa. (Anne Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *