Kapa donor supalpal sa SC; pagsara tuloy

BINASURA ng Supreme Court (SC) nitong Martes ang petisyon ng Rhema International Livelihood Foundation Inc. o Cirfund, isa sa investor ng kontrobersyal na Kapa Community International Ministry.

The post Kapa donor supalpal sa SC; pagsara tuloy appeared first on Abante News Online.

kapa donor supalpal sa sc pagsara tuloy - Kapa donor supalpal sa SC; pagsara tuloy
Abante Supreme Court - Kapa donor supalpal sa SC; pagsara tuloy

BINASURA ng Supreme Court (SC) nitong Martes ang petisyon ng Rhema International Livelihood Foundation Inc. o Cirfund, isa sa investor ng kontrobersyal na Kapa Community International Ministry.

Kinumpirma ni SC spokesman Brian Keith Hosaka na ang petisyong inihain ng Kapa donor noong Hunyo 21 ay dinismis ng en banc nitong Lunes.

Sa petisyong inihain nina Manuelito Traya at Roberto Apduhan, Sr., sa pamamagitan ng abogado nilang si Engracio Icasiano, hiniling nila sa High Court na hara­ngin ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa pagpapatigil sa operasyon ng Kapa.

Humirit din sila ng tatlong bilyong piso na danyos perhuwisyo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at SEC Chairman Emilio Aquino dahil sa pagsira umano nila sa Cirfund.

Pinasasalang din ng Kapa sa impeachment proceedings si Pangulong Duterte dahil sa paglabag umano sa Article II, Section 6 at Article III na kilala bilang Bills and Rights ng Cons­titution.

Noong Pebrero, nagpalabas ng cease and desist order ang SEC matapos makatanggap ng report ng pagso-solicit ng pondo ng Kapa. Kalaunan, naghain na rin ng kasong kriminal ang SEC laban sa founder na si Jose Apolinario. (PNA)

The post Kapa donor supalpal sa SC; pagsara tuloy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *