Kandidato sa pagkakonsehal sa Abra tumba sa tandem

PINAGBABARIL ng hindi pa nakikilalang ri­ding-in-tandem ang bahay isang municipal councilor candidate at asawa nitong opisyal ng Departnment of Interior ang Local Government (DILG) sa Pamutic, Pidigan, Abra noong Lunes nang madaling araw.

The post Kandidato sa pagkakonsehal sa Abra tumba sa tandem appeared first on Abante News Online.

kandidato sa pagkakonsehal sa abra tumba sa tandem - Kandidato sa pagkakonsehal sa Abra tumba sa tandem
gun 1 - Kandidato sa pagkakonsehal sa Abra tumba sa tandem

PINAGBABARIL ng hindi pa nakikilalang ri­ding-in-tandem ang bahay isang municipal councilor candidate at asawa nitong opisyal ng Departnment of Interior ang Local Government (DILG) sa Pamutic, Pidigan, Abra noong Lunes nang madaling araw.

Ayon kay Police Regional Office-Cordillera (PRO-Cor) information officer P/Maj. Carol Lacua­ta, pinagbabaril ang bahay nina Ruby Anin Va-lera, na kandidato sa pagkakonsehal ng Pidigan, Abra at asawa nitong si Rene Velasco Valera na assitant director ng Office of Project Development Services ng DILG Central Office.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Lacuarta, nangyari ang pamamaril pasa­do alas-12:00 nang mahatinggabi sa harap ng bahay ng mga Valera.

Ayon sa PRO-Cor, dalawang suspek na lulan ng motorsiklo ang biglang pumarada sa harap ng bahay ng mga Valera at walang sabi-sabing pinagbabaril ang bahay nito.

Agad na tumakas ang dalawang suspek pagkatapos ng pamamaril na tinamaan ang gutter ng mga Valera.

Sinabi ng PRO-Cor, nakatagpo naman ang mga pulis ng tatlong basyo ng bala sa nasabing bahay na may distansiyang tigdalawang metro.

Sa ngayon gumagawa na ng follow-up investigation ang PRO-Cor kung tungkol ito sa politika o sa trabaho ang motibo ng pamamaril. (Allan Bergonia)

The post Kandidato sa pagkakonsehal sa Abra tumba sa tandem appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *