Kanang-kamay ng ASG chief arestado sa QC

Kanang-kamay ng ASG chief arestado sa QC

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Counter Terrorism Division (NBI-CTD) ang kanang-kamay ni Abu Sayaff Group (ASG) leader Isnilon Hapilon at isa pang miyembro ng teroristang grupo sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City at Maynila.

The post Kanang-kamay ng ASG chief arestado sa QC appeared first on Abante News Online.

kanang kamay ng asg chief arestado sa qc - Kanang-kamay ng ASG chief arestado sa QC
abu sayg - Kanang-kamay ng ASG chief arestado sa QC

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Counter Terrorism Division (NBI-CTD) ang kanang-kamay ni Abu Sayaff Group (ASG) leader Isnilon Hapilon at isa pang miyembro ng teroristang grupo sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City at Maynila.

Iniharap sa mga mamamahayag ni NBI Director Dante ang mga naaresto na sina Adzhar Hadjula Mannan, may mga alyas na Julmain, Marwan, Ismael Maomar Timbao, at Anwar Sabarul Mahotoh.

Naaresto ang dalawa noong Hulyo 17. Parehong may warrant of arrest laban sa kanila na i­nisyu ng Pasig City Regional Trial Court Branch 266 para sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng pagdukot sa anim na miyembro ng Jehovah’s Witness sa Patikul, Sulu noong 2002 kung saan dalawa sa mga biktima ang pinugutan nila ng ulo.

Ayon sa NBI, nagtago si Mannan sa Culiat, Quezon City at nakapagtayo pa ng food stall business pero nanatiling aktibong mi­yembro ng Urban Terro­rist Group-Special Operation Group ng ASG at kilala sa nasabing lugar bilang si Ismael Maomar Timbao.

Naaresto naman si Mahotoh sa Quiapo, Maynila. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Kanang-kamay ng ASG chief arestado sa QC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *