Kampo nina Marcos, Robredo binusalan ng SC

MULING nagpaalala ang Supreme Court (SC) sa kampo ni Vice President Leni Robredo at da­ting Senador Bongbong Marcos sa kautusan ng Korte na huwag magsalita sa media patungkol sa anumang kaso.

kampo nina marcos robredo binusalan ng sc - Kampo nina Marcos, Robredo binusalan ng SC
SC 1 - Kampo nina Marcos, Robredo binusalan ng SC

MULING nagpaalala ang Supreme Court (SC) sa kampo ni Vice President Leni Robredo at da­ting Senador Bongbong Marcos sa kautusan ng Korte na huwag magsalita sa media patungkol sa anumang kaso.

Ito’y matapos ang ilang ulit nang pahayag sa publiko at media ng mga abogado ng magkabilang kampo sa nakabinbing poll protest sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Sa isang pahayag, giniit ni SC Spokesman Atty. Brian Hosaka na dapat igalang ng kampo nina Robredo at Marcos ang ang kautusan ng Korte Suprema lalo na ang prinsipyo ng “sub judice rule”.

“Gusto ko po ulit ipaalala sa mga parties at sa kanilang mga abogado na galangin po sana nila ang utos ng korte na ‘wag magkomento o magsalita sa media tungkol sa kaso ayon sa ‘sub judice rule’,” ayon kay Hosaka.

Kasabay nito ay tumanggi ang Korte Suprema na magkomento pa sa mga naging pahayag ni Atty. Romulo Macalin­tal na tumatayong legal counsel ni VP Robredo.

Ayon kay Hosaka, hindi pa niya nakikita o nababasa ang nilalaman ng report tungkol sa resulta ng revision at recount sa tatlong tinukoy na pilot provinces sa poll protest ni Marcos.

Ang mga mahistrado lamang rin aniya ng SC ang may alam sa nilalaman nito dahil pawang confidential ang naturang mga impormasyon.

Samantala, giniit naman ni Macalintal na ibasura na ng PET ang protesta ni Marcos dahil sa nadagdagan ng 15,000 ang lamang ni Robredo kay Marcos sa isinagawan­g recount sa tatlong pilot province.

“Meron kaming ebidensiya, nadagdagan pa nga iyong boto namin, 15,000 votes… sabi namin, dapat ma-dismiss na ‘yan,” giit ni Macalintal.

Ipinagpaliban ng PET nitong Martes ang delibe­rasyon sa draft ruling ni Associate Justice Benjamin Caguioa sa protestang inihain ni Marcos laban kay Robredo.

Ito na ang ikatlong pagpapaliban ng deli­berasyon sa draft ruling. Itinakda ng PET sa Oktubre 15 ang susunod nilang pagpupulong. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *