Kamara kumpiyansang tutukuran ng SC ang Malampaya

Nananalig ang tinaguriang “power bloc” ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na aaktuhan ng Korte Suprema ang pagbibigay ng katiyakan para sa matatag at ligtas na suplay ng enerhiya ng Pilipinas sa hinaharap.

The post Kamara kumpiyansang tutukuran ng SC ang Malampaya first appeared on Abante.

kamara kumpiyansang tutukuran ng sc ang malampaya - Kamara kumpiyansang tutukuran ng SC ang Malampaya
abante kamara 1 - Kamara kumpiyansang tutukuran ng SC ang Malampaya

Nananalig ang tinaguriang “power bloc” ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na aaktuhan ng Korte Suprema ang pagbibigay ng katiyakan para sa matatag at ligtas na suplay ng enerhiya ng Pilipinas sa hinaharap.

Binanggit ng mga mambabatas na makakatulong ang Malampaya power plant sa pagbuhay ng ekonomiya at magiging pangmatagalang katuwang ng bansa sa usapin na ito.

Tinatayang 30% na pangangailangan sa kuryente ng Luzon ay nakadepende sa natural indigenous gas na nililikha ng Malampaya.

Ang matagumpay na Public-Private Partnership (PPP) ay responsable sa 98% ng produksyon langis at gas sa bansa na nagpapagana sa mga industriya kabilang na ang mga ospital at health care center na lumalaban para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Nakasaad sa House Resolution No. 1063 na inihain ng mga kongresista kamakailan ang panawagan na bumuo at magpatupad ng pambansang depensa at mga security policy na magpapalakas sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng matatag at independiyenteng power industry.

“The resolution of the continuation of the operations of Malampaya is critical and urgent, both for our pandemic-filled present and the future of this country when it comes to our energy security and our healthcare industry,” ani Philreca Party-list Rep. Presley De Jesus.

“Malampaya does not just provide power to our hospitals and health care systems at a time like this. However, time is running out for Malampaya. A resolution in its favor will solidify the integral role of energy security in the country, while ensuring the survival of our healthcare system—in the present and in a challenging future which is laden with so much economic and medical uncertainties,” dagdag ni De Jesus.

Kumpiyansa aniya sila at nagtitiwala sa liderato ng Korte Suprema na gagawin ang nararapat para sa kapakanan ng mga mamamayan at itataguyod ang polisiya na magbibigay ng katiyakan para sa hinaharap ng sektor ng enerhiya, pambansang seguridad at kalusugan.

Kasalukuyan pa ring nakabinbin ang kaso sa Korte Suprema patungkol sa Malampaya at inaantabayanan pa ang pinaleng magiging desisyon ng pinakamataas na hukuman ng bansa.

“Malampaya does not just provide power to our hospitals and health care systems at a time like this but it has also been one of the reliable sources of funding that the government taps to contain the coronavirus and its attendant crises,” ayon kay De Jesus.

Ipinunto naman ni Apec Party-list Rep. Sergio Dagooc na kasabay ng pananalasa ng COVID-19 sa buong mundo ay hindi na praktikal na umasa ang bansa sa foreign fuel sources.

“‘Energy security is a crucial factor in protecting and upholding our national sovereignty, so we can keep domestic economies running at full power,” giit ni Dagooc.

Sa panig ni Ako Padayon Party-list Rep. Adriano Ebcas ibinabala nito na kung hindi matutugunan ng pamahalaan ng agaran ang mga isyu sa enerhiya at tumataas na pangangailangan dito ay hindi malayong maharap ang Pilipinas sa matinding kakapusan ng suplay ng kuryente sa hinaharap.

“These power shortages can have far-reaching effects—from access to energy and high energy cost, to livelihood, education, and of course, national security,” sabi ni Ebcas.

The post Kamara kumpiyansang tutukuran ng SC ang Malampaya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *