Kamara gigil na sa talamak na smuggling ng bakal

Suportado ng mga lider ng Kamara ang panawagan na agarang magsagawa ng pagsisiyasat ang House committee on trade and industry sa diumano’y smuggling at pagkalat ng mga substandard na bakal sa Pilipinas.

kamara gigil na sa talamak na smuggling ng bakal - Kamara gigil na sa talamak na smuggling ng bakal
bakal 1 - Kamara gigil na sa talamak na smuggling ng bakal

Suportado ng mga lider ng Kamara ang panawagan na agarang magsagawa ng pagsisiyasat ang House committee on trade and industry sa diumano’y smuggling at pagkalat ng mga substandard na bakal sa Pilipinas.

Dala ng nasabing kalakaran ay maaaring makompromiso ang tibay ng istraktura ng mga imprastraktura sa bansa sa nagdaang 10 hanggang 12 taon.

Nagkakaisang tinukuran nina Davao City Rep. Isidro Ungab, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo, at ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap ang inihaing House Resolution (HR) No. 379 ni Agusan del Norte Rep. Lawrence
Lemuel H. Fortun kasunod ng naitalang pagkasawi ng ilang kababayan at pagkawasak ng mga ari-arian sanhi ng serye ng naganap na lindol na yumanig sa Mindanao nitong nakalipas na linggo.

Inihain ang resolusyon para maimbestigahan ang diumano’y kutsabahan sa pagitan ng malala­king steelmakers at mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Customs (BoC).

Kamakailan ay inanunsyo ng BoC ang paglipol sa importasyon ng ‘undervalued’ na bakal sa gitna ng mga ulat kaugnay sa naglipanang mga substandard na steel product.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *