Kalahating kilo ng shabu nasamsam sa 18-anyos

ARESTADO ang 18-anyos na trisikad driver sa Brgy. Mambaling, Cebu City matapos makuhanan ng kalahating kilo ng hinihinalang shabu na aabot sa P3.4 milyon.

The post Kalahating kilo ng shabu nasamsam sa 18-anyos appeared first on Abante News Online.

kalahating kilo ng shabu nasamsam sa 18 anyos - Kalahating kilo ng shabu nasamsam sa 18-anyos
shabu 5 - Kalahating kilo ng shabu nasamsam sa 18-anyos

ARESTADO ang 18-anyos na trisikad driver sa Brgy. Mambaling, Cebu City matapos makuhanan ng kalahating kilo ng hinihinalang shabu na aabot sa P3.4 milyon.

Kinilala ang suspek na si Nephi Fernandez, trisikad driver at nagsisilbi rin umanong drug courier.

Ikinasa ng pinagsabib na puwersa ng mga tauhan ng City Intelligence Branch at City Drug Enforcement Unit ang buy-bust laban kay Fernandez sa labas ng bahay nito sa Sitio Bliss ng nasabing barangay, Linggo nang madaling-araw.

Sumailalim umano sa surveillance ang suspek bago isagawa ang operasyon.

Batay sa nakalap na impormasyon, ikaapat na beses pa lamang umano ni Fernandez na mag-deliver ng shabu mula sa isang Jessie. Nakapagbenta na rin umano ito ng aabot sa tatlong kilo ng shabu sa nakalipas na tatlong buwan.

Nag-iimbestiga pa ang pulisya sa sinasabing supplier ni Fernandez ng iligal na droga.

The post Kalahating kilo ng shabu nasamsam sa 18-anyos appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *