Kaklase ni Duterte todas sa COVID

Hindi nakaligtas sa coronavirus disease 2019 ang isa sa mga kaklase ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong bawian ng buhay.

kaklase ni duterte todas sa covid - Kaklase ni Duterte todas sa COVID
abante dead 7 - Kaklase ni Duterte todas sa COVID

Hindi nakaligtas sa coronavirus disease 2019 ang isa sa mga kaklase ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong bawian ng buhay.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan nitong Biyernes ng gabi na walang sinasanto ang COVID-19 kahit sino at kahit anong estado sa lipunan.

“Kamamatay lang ng classmate ko na abogado. He was the son of our Dean sa College of Law. He passed away today kasi –of COVID,” anang Pangulo.

Dahil hindi aniya maaaring dalawin ang burol, sinabi ng Presidente na si Atty. Chel Diokno na lang ang papuntahin sa morge para ikatawan ang grupo ng mga abugado sa pakikiramay sa nasawing kaklase.

Muling nabuhay ang galit ni Pangulong Duterte kay Diokno dahil sa paninira umano sa gobyerno sa harap ng COVID krisis para gatungan ang galit ng publiko sa gobyerno.(Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *