Kahit sinong pangulo, alyansang US-PH ‘di magbabago – Lorenzana

Wala raw dapat ipag-alala ang madla sa pagpapalit ng pangulo ng Estados Unidos, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

The post Kahit sinong pangulo, alyansang US-PH ‘di magbabago – Lorenzana first appeared on Abante.

kahit sinong pangulo alyansang us ph di magbabago lorenzana - Kahit sinong pangulo, alyansang US-PH ‘di magbabago – Lorenzana
LORENZANA - Kahit sinong pangulo, alyansang US-PH ‘di magbabago – Lorenzana

Wala raw dapat ipag-alala ang madla sa pagpapalit ng pangulo ng Estados Unidos, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Kasi sabi ni US Embassy’s Chargé d’Affaires John Law, sa kanilang pulong noong nakaraang linggo, mananatili ang relasyong Amerika at Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni US President-elect Joe Biden.

“‘Yung foreign policy ng US, kahit magpalit ang presidente, sabi niya, it will be the same. ‘Yung concern nila sa West Philippine Sea which is also our concern,” banggit ng kalihim sa mga reporter.

“Ganon naman pinag-usapan namin. Huwag kayong mag-alala: kahit sinong presidente, the alliance will remain the same,” aniya pa.

Sinabi rin niyang nagbigay ang Amerika sa bansa ng “some P18 million worth of [military] equipment” na nakatakdang dumating sa susunod na buwan.

“‘Yun ‘yung mga precision-guided munitions na pwedeng ibagsak ng pinpoint accuracy,” lahad pa ni Lorenzana. (SDC)

The post Kahit sinong pangulo, alyansang US-PH ‘di magbabago – Lorenzana first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *