Kahit pandemya, cashless toll payment tuloy -DOTr

Tungkulin ng Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng proteksyon ang kalusugan at kaligtasan ng mga pasahero at iba pang may interes sa pampublikong transportasyon.

The post Kahit pandemya, cashless toll payment tuloy -DOTr first appeared on Abante.

kahit pandemya cashless toll payment tuloy dotr - Kahit pandemya, cashless toll payment tuloy -DOTr
cashless - Kahit pandemya, cashless toll payment tuloy -DOTr

Tungkulin ng Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng proteksyon ang kalusugan at kaligtasan ng mga pasahero at iba pang may interes sa pampublikong transportasyon.

Matagal nang dapat ipinatupad ang contactless toll payment scheme, kaugnay ng inter-agency campaign ng pamahalaan para huwag lumaganap ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pangunahing layunin ng Department Order No. (DO) 2020-012 na magpapatupad ng cashless o contactless transaction sa lahat ng mga sasakyan na bumibiyahe sa toll expressway ay upang maiwasan ang transmisyon ng COVID-19, na isang napakahalagang bagay.

Ang interoperability ay dagdag-ginhawa lamang sa mga motorista na hindi na kailangang magkabit ng dalawang (2) RFID tag. Kaya ang implementasyon ng cashless program ay hindi dapat maghintay sa interoperability ng toll systems.

Anumang pagkaantala sa implementasyon sa gitna ng pandemya ng COVID-19 ay maglalagay sa panganib sa mga motorista pati na din sa mga empleyado na nasa toll booth na may pisikal na kontak na hindi naman kailangan, kaya lantad sila sa nakakamatay na coronavirus.

Maliban sa isyu ng interoperability, ang ekstensyon ng deadline ng cashless toll collection ng mga toll roads sa Disyembre 1 ay magbibigay ng sapat na panahon sa mga motorista na magpakabit ng RFID stickers sa lahat ng toll operators.

Matatandaang ang orihinal na implementasyon nito ay dapat noong Nobyembre 2, 2020.

Dagdag pa dito, libre ang RFID tags at tanging load lamang ang babayaran ng mga motorista. Samakatuwid, walang dagdag-gastos sa mga motorista. Hindi din nakakalito ang dalawang RFID dahil magkaiba ang itsura ng mga ito.

Gayundun, walang dagdag-pasanin sa mga motorista na mayroong nang mga tag kung ipapatupad ang interoperability sa darating na panahon. Maaaring ilipat ang load ng lumang tag sa bagong RFID, o di kaya ay papayagang gamitin ang lumang tag kahit may interoperability na hanggang maubos ang load.

Sa isyu ng limitadong RFID installation sites, ang solusyon ay hindi iurong ang pagpapatupad ng cashless program, kung hindi ay damihan ng mga toll operators ang kanilang mga installation booth at empleyado sa mga istratehikong lugar.

Ngunit higit pa sa matinding pangangailangan na ipatupad ang contactless at cashless toll collection dahil sa banta ng COVID-19, tandaan na ang paglipat sa cashless toll collection ay bahagi ng mas malaking proyekto ng DOTr—ang Toll Interoperability Project, na isinusulong na ng Kagawaran simula noon pang 2017.

May tatlong (3) bahagi ang Toll Interoperability Project, at una dito ang pagpapatupad ng 100% cashless at contactless toll payments.

Ikalawang bahagi nito ang paggamit ng dalawang RFID wallet, kaya ang isang RFID sticker ay maaaaring basahin ng mga sensor sa iba’t ibang toll road. Bawat wallet ay may “load” na pambayad sa bawat toll plaza.

Ikatlong bahagi ng proyekto ay ang paggamit ng isang RFID sticker para sa lahat ng toll expressways, at pagmintina ng iisang wallet para sa lahat ng toll payments.

Sa ngayon, patuloy ang DOTr sa pamamagitan ng Toll Regulatory Board (TRB) na makipag-ugnayan sa mga private toll operator para pag-usapan ang lahat ng mga isyu at ipatupad ang mga solusyon para maging matagumpay ang interoperability project.

The post Kahit pandemya, cashless toll payment tuloy -DOTr first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *