Kahit isang kusing! Senado walang nilustay na intel fund

Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na wala ni isang kusing na ginastos sa intelligence fund ng Senado.

The post Kahit isang kusing! Senado walang nilustay na intel fund first appeared on Abante.

kahit isang kusing senado walang nilustay na intel fund - Kahit isang kusing! Senado walang nilustay na intel fund
abante intel fund - Kahit isang kusing! Senado walang nilustay na intel fund

Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na wala ni isang kusing na ginastos sa intelligence fund ng Senado.

Ito’y matapos ihayag ng Commission on Audit (COA) sa kanilang report na isinumite noong Disyembre na ang Kongreso ang top spended ng confidential, intelligence, and extraordinary funds (CIF) noong 2019.

“The Senate did not spend a single centavo on intelligence funds. Kaya wala akong matandaan, wala kaming ginamit na ganoon,” pahayag ni Sotto sa isang forum sa Maynila.

“I don’t know about the House [of Representatives] definitely,” dagdag nito.

Ayon sa COA report, gumastos ang Kongreso sa kanilang CIF noong 2019 na P3.98 bilyon at tinalo pa ang Department of National Defense (P3.087 bilyon) at Office of the President Rodrigo Duterte (P2.41 bilyon).

Ang kabuuang CIF spending ng Duterte administration ay umabot ng P13.46 bilyon noong 2019 o P2.03 bilyong mas mataas noong 2018. (Dindo Matining)

The post Kahit isang kusing! Senado walang nilustay na intel fund first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *