Kagawad viral sa ‘strip dance’ sa sabungan

POSIBLENG maharap sa kaso ang barangay kagawad na kumalat ang kuhang video na nagawang magtanggal ng kaniyang damit, pantalon at nagsayaw nang nakahubad sa loob ng sabungan sa Calasiao, Pangasinan.

kagawad viral sa strip dance sa sabungan - Kagawad viral sa ‘strip dance’ sa sabungan
ABANTE strip dance - Kagawad viral sa ‘strip dance’ sa sabungan

POSIBLENG maharap sa kaso ang barangay kagawad na kumalat ang kuhang video na nagawang magtanggal ng kaniyang damit, pantalon at nagsayaw nang nakahubad sa loob ng sabungan sa Calasiao, Pangasinan.

Ayon sa Calasio Municipal Local Government Operation (CMLGO), maaaring maharap si Barangay Poblacion West Kagawad Eduardo Laforteza sa pag­labag sa Republic Act No. 6713 o mas kilala sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dahil sa ginawa nitong pagsasabong habang paglabag sa Conduct unbecoming an official dahil sa ginawa nitong paghubad.

Ayon sa CMLGO, base umano sa sinusunod nilang batas, ‘no complain, no case’ ang mangyayari kung saan kung walang nagreklamo ay hindi masasampahan ng kaso ang naturang opisyal.

Nauna rito, kumalat ang kuhang video ni Laforteza habang nasa loob ng sabungan kung saan makikita na bago ilaban ang hawak nitong manok ay kaniya pa itong hinalikan.

Matapos nito ay isa-isa nang hinubad ni Laforteza ang suot na sapatos, damit maging ang kaniyang pantalon saka nagsayaw-sa­yaw at ayon sa kanya, pantanggal daw ito ng malas sapagkat dalawang manok niyang panabong ang natatalo.

Napag-alaman na nasa impluwensiya ng alak si Laforteza nang mangyari ang paghuhubad at pagsasayaw sa loob ng sabungan. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *