Kagawad tumimbuwang sa pamamaril

PATAY ang isang barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek habang papunta sa palengke sa bayan ng Ronda sa lalawigan ng Cebu.

The post Kagawad tumimbuwang sa pamamaril appeared first on Abante News Online.

kagawad tumimbuwang sa pamamaril - Kagawad tumimbuwang sa pamamaril
patay baril - Kagawad tumimbuwang sa pamamaril

PATAY ang isang barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek habang papunta sa palengke sa bayan ng Ronda sa lalawigan ng Cebu.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Ramil Abueva, 45, kagawad ng Brgy.

Ilaya, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sugatan din si Magno Porgatorio, 25, traysikad driver, na tinamaan ng ligaw na bala sa leeg nang ratratin ng mga suspek ang biktimang si Abueva.

Sakay umano ng grey na kotse ang mga hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon kay P/Cpt. Rodgene Fudotan, hepe ng Ronda Municipal Police Station naganap ang pananambang dakong alas-siyete nang umaga sa kahabaan ng Sitio Tab-ang, Purok Saging ng nabatid na bayan.

Patungo sa palengke ang biktima at lulan ng kanyang motorsiklo nang tapatan umano ng mga suspek.

Sinubukan pang tumakas ng biktima suba­lit pinaulanan na ito ng bala dahilan upang duguan itong bumulagta sa kalsada.

Sa ngayon ay ina­alam na ng pulisya ang motibo sa naganap na krimen. (Edwin ­Balasa)

The post Kagawad tumimbuwang sa pamamaril appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *