Kagawad todas sa ambus

PATAY ang isang barangay kagawad nang tambangan at pagbabarilin ng apat na armadong suspek lulan ng dalawang motorsiklo na ikinasawi din ng isa sa mga suspek matapos na makaganti ng putok ang biktima Huwebes nang hapon sa Calbayog City, Samar.

kagawad todas sa ambus - Kagawad todas sa ambus
ABANTE asinta gun kagawad - Kagawad todas sa ambus

PATAY ang isang barangay kagawad nang tambangan at pagbabarilin ng apat na armadong suspek lulan ng dalawang motorsiklo na ikinasawi din ng isa sa mga suspek matapos na makaganti ng putok ang biktima Huwebes nang hapon sa Calbayog City, Samar.

Kinilala ang nasawing biktima na si Brgy. Carmen Kagawad Simeon Tarrayo, 51. Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos na tambangan at pagbabarilin ng apat na armadong suspek sa kahabaan ng P1 Brgy. Dagum ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:56 nang hapon habang lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng P1 Brgy. Dagum ng nasabing lungsod. Bigla na lang itong dinikitan ng dalawang motorsiklo lulan ang apat na armadong suspek at malapitan itong pagbabarilin.

Matapos na matumba sa kanyang motorsiklo dahil sa mga tama ng bala sa katawan ay nakuha pang makabunot ng kanyang baril ang biktima at naputukan pa nito ang isa sa gunman na nasawi din matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib.

Samantala mabilis namang tumakas ang tatlong iba pang suspek palayo ng lugar habang nasawi din ang biktima sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa motibo ng pamamaslang gayundin sa pagkilala sa mga suspek. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *