Kagawad timbog sa raket na shabu

arrested-tiklo

Himas-REHAS ang 34-anyos na barangay kagawad dahil sa pag-sideline nito sa pagtutulak ng iligal droga sa Sto. Tomas, Batangas kamakalawa.

kagawad timbog sa raket na shabu - Kagawad timbog sa raket na shabu
arrested tiklo - Kagawad timbog sa raket na shabu

Himas-REHAS ang 34-anyos na barangay kagawad dahil sa pag-sideline nito sa pagtutulak ng iligal droga sa Sto. Tomas, Batangas kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Eric Ornales, kagawad ng Barangay San Jose.
Inaresto so Ornales sa kanyang bahay alas-6:40 nang gabi matapos na makabili ng tatlong sachet ng shabu ang isang operatiba sa ikinasang buy-bust operation.

Ayon kay PLtCol. Rey Ochavo, hepe ng Sto. Tomas Police, ang suspek ay nasa listahan ng mga high value target at matagal nang sinusubaybayan ng mga awtoridad.

Dati na rin itong naaresto sa kasong iligal na droga noong ito ay nasa kanyang unang termino pa lamang bilang barangay kagawad noong 2015.

Nakakulong na ito ngayon sa Sto. Tomas Police Station locked up cell at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng RA 9165. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *