Kagawad nahulihan ng boga sa Laguna

NADAKMA ng mga pulis sa Commission on Elections (Comelec) checkpoint ang isang barangay kagawad dahil sa pagdadala ng baril na walang gun ban exemption sa San Pablo City, Laguna maghahatingabi noong Sabado.

The post Kagawad nahulihan ng boga sa Laguna appeared first on Abante News Online.

kagawad nahulihan ng boga sa laguna - Kagawad nahulihan ng boga sa Laguna
guns 2 - Kagawad nahulihan ng boga sa Laguna

NADAKMA ng mga pulis sa Commission on Elections (Comelec) checkpoint ang isang barangay kagawad dahil sa pagdadala ng baril na walang gun ban exemption sa San Pablo City, Laguna maghahatingabi noong Sabado.

Kinilala ng San Pablo City police ang naaresto na si Anthony Manikad Cornista, 45-anyos, residente at kagawad ng Brgy. Sto. Anghel.

Batay sa report, pinara ng mga nagmamandong pulis sa checkpoint sa Brgy. VII-C ang suspek dahil sa pagmamaneho nito ng walang helmet at walang plaka ang motorsiklo.

Subalit habang kinukuha ng suspek ang driver’s license sa kanyang bag, ay lumitaw mula sa loob ang isang baril na kalibre 45.

Wala naman itong maipakitang kaukulang papeles para sa pagdadala ng armas.
Nasa kustodiya na ngayon ng San Pablo City police ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa o RA 10591 in relation to Omnibus Election Code (Gun ban), Violation of RA 10054 at RA 4136. (Ronilo Dagos)

The post Kagawad nahulihan ng boga sa Laguna appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *