Kagawad na galamay ng ninja cop todas

PATAY ang isang Kagawad na isa umanong big time na tulak ng shabu at konektado sa nakakulong na ninja cop na si PO2 Jolly Aliangan at sa napatay na si PO2 Joel Padre Juan noong 2018, matapos na manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Sampaloc, Maynila kahapon.

The post Kagawad na galamay ng ninja cop todas appeared first on Abante News Online.

kagawad na galamay ng ninja cop todas - Kagawad na galamay ng ninja cop todas
abante crime1 - Kagawad na galamay ng ninja cop todas

PATAY ang isang Kagawad na isa umanong big time na tulak ng shabu at konektado sa nakakulong na ninja cop na si PO2 Jolly Aliangan at sa napatay na si PO2 Joel Padre Juan noong 2018, matapos na manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Sampaloc, Maynila kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Ronnie Labongray Jr., barangay kagawad ng Barangay 561, Zone 55, at residente ng 1002 Gerardo St., Sampaloc.

Si Labongray ay sinasabing nanlaban matapos silbihan ng search warrant sa kanyang tahanan.

Arestado naman sina Ronelyn Labongray, kapatid ng napatay; Alfredo Joanino at Jeffrey Gallaron, na bumabatak ng shabu nang isagawa ang raid.

Nakumpiska rin sa suspek ang may P2.3 milyong shabu, .45 kalibreng baril, P1,000 cash money, 99 pi­raso ng boodle money at drug paraphernalia.

Ayon sa MPD, alas-9:40 nang umaga nang salaka­yin ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng National Capital Regional Police Office at Sampaloc Police Station 4 ang lugar sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Marivic Balisi-Umali ng Manila Regional Trial Court Branch 20.

Si Labongray ay miyembro ng criminal gang na sangkot sa drug trafficking activities. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Kagawad na galamay ng ninja cop todas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *