Kagawad, 1 pa nilikida sa Negros Oriental

HINDI pa man natatapos ang im­bestigasyon hinggil sa serye ng patayan ay nadagdagan pa ang bilang ng itinumba sa Negros Oriental makaraang magkasunod na pagbabarilin ang dalawang residente Huwebes nang gabi.

kagawad 1 pa nilikida sa negros oriental - Kagawad, 1 pa nilikida sa Negros Oriental
empleyado baril patay - Kagawad, 1 pa nilikida sa Negros Oriental

HINDI pa man natatapos ang im­bestigasyon hinggil sa serye ng patayan ay nadagdagan pa ang bilang ng itinumba sa Negros Oriental makaraang magkasunod na pagbabarilin ang dalawang residente Huwebes nang gabi.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-sais nang gabi nang pagbabarilin ang biktimang si Ramonito Handumon, kagawad ng Barangay.Mabunga, Guihulngan City.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga armadong salarin saka niratrat ang biktima.

Ilang oras naman ang nakalilipas matapos ang krimen, dakong alas-7:15 nang umaga nang sumunod namang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang biktimang si Sergio Sarming, 55, sa Barangay Banilad, Bacong.

Nagawa pa itong maisugod sa Holy Child Hospital pero idineklara na itong dead-on-arrival sa pagamutan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa dalawang krimeng naganap.

Nangyari ito sa ng kautusan ng Senado sa pulisya na imbestighan ang grupong Kawsa Guihulnganon Batok Komunist (Kabugak), isa diumanong death squad na responsable umano sa mga patayang nagaganap dito.(Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *