Kababata niyari sa atraso sa droga

Patay ang isang 24-anyos na lalaki matapos na barilin ng kanyang kababata dahil sa nadispalkong kita sa iligal na droga kahapon nang umaga sa Tondo, Maynila.

kababata niyari sa atraso sa droga - Kababata niyari sa atraso sa droga
patay 6 - Kababata niyari sa atraso sa droga

Patay ang isang 24-anyos na lalaki matapos na barilin ng kanyang kababata dahil sa nadispalkong kita sa iligal na droga kahapon nang umaga sa Tondo, Maynila.

Nasawi habang ginagamot sa Ospital ng Tondo si Robin Roland Rela­ngo, ng 1139 B Vargas St., Barangay 216, Zone 20 sa Tondo.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Renielle Punzalan, 24-an­yos, nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Nabatid kay PMSG Dennis Suba, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente alas-10:00 nang umaga sa bahay mismo ng suspek.

Lumilitaw na magkaibigan at magkababata ang biktima at suspek at may isang taon na nawala sa kanilang lugar ang biktima matapos na hindi mag-remit ng kita sa iligal na droga.

Nagkita ang dalawa kahapon at sa pag-aakalang balewala na sa suspek ang ginawa ng biktima, sumama ito sa bahay ng kaibigan pero pagpasok sa loob ay pinagbabaril ang biktima.

Kahit may mga tama ay nakalabas pa at nasabi pa ng biktima sa kanyang tatay ang pagbaril ng suspek ngunit nasawi rin sa ospital. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *