JV napikon sa full name ng drug queen

NAGLABAS ng sama ng loob si dating Senador JV Ejercito sa mga miyembro ng media na patuloy na binabanggit ang kumpletong pangalan ng tinaguriang ‘Drug Queen’ na bumibili ng iligal na droga mula sa mga ‘ninja cops.’

jv napikon sa full name ng drug queen - JV napikon sa full name ng drug queen
abante jv2 - JV napikon sa full name ng drug queen

NAGLABAS ng sama ng loob si dating Senador JV Ejercito sa mga miyembro ng media na patuloy na binabanggit ang kumpletong pangalan ng tinaguriang ‘Drug Queen’ na bumibili ng iligal na droga mula sa mga ‘ninja cops.’

Ang ina ni Ejercito ay si dating San Juan Mayor Guia Gomez samantalang ang binansagang drug queen ay si Guia Gomez Castro ng Sampaloc, Maynila.

“Question, does media outfits really regularly mention the middle name of a person in any news article? Pwede naman simpleng Guia Castro si Drug Queen diba? Bakit kailangan ‘Guia Gomez’ Castro? Mahaba diba? Pero kailangan para ba makapanlinlang?” tweet ng dating senador nitong Sabado.

Matatandaan na si Manila Police District (MPD) Chief Police Brig. Gen. Vicente Danao Jr. ang siyang nagsiwalat ng buong pangalan ni Castro na sinundan lamang ng media sa kanilang pagre-report.

Kumpletong pangalan din ang binanggit ni NCRPO Director Guillermo Eleazar sa pangalan ng drug queen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *