Junjun Binay habambuhay ban sa gobyerno

TULUYAN nang diniskuwalipika habambuhay ng Court of Appeals (CA) si dating Makati Mayor Jejomar Erwin ‘Junjun’ Binay Jr. na makapagtrabaho sa anumang pampublikong tanggapan matapos katigan ang naging ruling ng Ombudsman noong Hulyo, 2017.

The post Junjun Binay habambuhay ban sa gobyerno appeared first on Abante News Online.

junjun binay habambuhay ban sa gobyerno - Junjun Binay habambuhay ban sa gobyerno
binay 4 - Junjun Binay habambuhay ban sa gobyerno

TULUYAN nang diniskuwalipika habambuhay ng Court of Appeals (CA) si dating Makati Mayor Jejomar Erwin ‘Junjun’ Binay Jr. na makapagtrabaho sa anumang pampublikong tanggapan matapos katigan ang naging ruling ng Ombudsman noong Hulyo, 2017.

Sa naunang desisyon ng Ombudsman, si Binay Jr. ay napatunayang guilty sa iregularidad sa P1.3 bilyong school building project noong 2007.

Sa inilabas na consolidated decision noong Mayo 28, 2019 napatunayan ng CA na si Binay ay guilty sa serious dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service kaugnay sa kasong criminal na may kinalaman sa Phase 4 ng Makati Science High School (MSHS) Building.

Ang naturang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Ronaldo Roberto Martin at sinang-ayunan nina Associate Justices Ramon Bato Jr. at Ramon Cruz.

Gayunman, ibinasura ng CA ang tatlong kasong administratibo laban kay Binay dahil sa condonation doctrine.

Matatandaan na si Binay ay inakusahan ng Ombudsman na naki­pagsabwatan sa iba pang city official at pribadong indibidwal para manipulahin ang procurement sa 10 palapag na MSHS building.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, ang kontrata sa proyekto ay ini-award sa Hillmarc’s Construction Corp. sa kabila ng iregularidad kabilang na ang paglalagay ng kunwaring ‘invitation to bid’ na anunsiyo sa mga national daily newspaper.

Gayundin, sinabi ng CA, kinatigan rin ang naunang desisyon ng Ombudsman na ang mga petisyuner ay pawang guilty rin sa kasong serious dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of service. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Junjun Binay habambuhay ban sa gobyerno appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *