Julia parang apo ko na ‘yan – Ramon Ang

UMALMA ang negosyanteng si Ramon S. Ang sa lumabas na bali­tang may relasyon umano siya sa 22-anyos na aktres na si Julia Barretto.

julia parang apo ko na yan ramon ang - Julia parang apo ko na ‘yan – Ramon Ang
ramon ang 2 - Julia parang apo ko na ‘yan – Ramon Ang

UMALMA ang negosyanteng si Ramon S. Ang sa lumabas na bali­tang may relasyon umano siya sa 22-anyos na aktres na si Julia Barretto.

Binanggit ni Ang na masyadong malisyoso ang lumabas na balita hinggil sa relasyon umano niya sa anak ni Marjorie Barreto.

Ayon pa sa President at CEO ng San Miguel Corporation, hindi niya kilala si Julia at sa murang edad nito ay parang apo na niya lang ito.

“Never ko pa po nakilala si Julia Barreto. Nakita n’yo naman po ang edad n’ya, parang apo ko na. Kaya ito pong mga istorya na ito ay ‘malicious’,” diin ng negosyante.

Ang mga ganitong uri ng bali­ta, aniya ay hindi dapat pinapansin dahil sa hindi ito nakaka­tulong sa sambayanan.

“Huwag na po natin pagbig­yan ng pansin, at mas marami pa po tayong kailangan gawin para mapabuti ang bansa natin,” giit ni Ang.

Handa naman si Ang na ma­ging kaibigan ng kanyang mga apo si Julia sa tamang panahon.

“Siguro paglaki pa ng kaunti ng mga sarili kong apo, puwede silang maging magkakaibigan,” dagdag pa niya.

Sa balitang lumabas sa isang pahayagan, binanggit dito na nilako daw ni Marjorie ang anak niyan­g si Julia sa negosyante at binilhan ng bahay.

Lumabas ang balita sa gitna ng isyung namamagitan sa negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang sa magkapatid na Gretchen at Claudine Barreto at sa pamangkin nilang si Nicole.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *