Joy Belmonte humirit kay Bistek ng dagdag na mga upuan sa eskuwelahan

DAHIL sa kakula­ngan ng upuan sa mga pampublikong paaralan, hiniling ni Quezon City Mayor elect-Joy Belmonte kay QC Mayor Herbert Bautista na tugunan ito ng lokal na pamahalaan.

The post Joy Belmonte humirit kay Bistek ng dagdag na mga upuan sa eskuwelahan appeared first on Abante News Online.

joy belmonte humirit kay bistek ng dagdag na mga upuan sa eskuwelahan - Joy Belmonte humirit kay Bistek ng dagdag na mga upuan sa eskuwelahan
ABANTE joy belmonte - Joy Belmonte humirit kay Bistek ng dagdag na mga upuan sa eskuwelahan

DAHIL sa kakula­ngan ng upuan sa mga pampublikong paaralan, hiniling ni Quezon City Mayor elect-Joy Belmonte kay QC Mayor Herbert Bautista na tugunan ito ng lokal na pamahalaan.

Ginawa ni Belmonte ang pahayag kasunod ng ulat sa kanya mula sa QC Division of City Schools na karamihan sa mga naipatayong school buil­dings ng lungsod para sa Senior High School ay wala pa ring mga upuan para magamit ng mga estudyante ngayong pasukan.

“Hinihiling natin kay Mayor Herbert Bautista na sana ay ma-priority niya na mabigyan ng city government ng lahat na pangangailangan ang mga kabataang mag- aaral para walang maging problema sa pasukan,”  ani Belmonte.

Nabatid sa ulat na marami umanong bilang ng mga naipatayong Senio­r High schools ang Bistek administration na katatapos lamang maisailalim sa inagurasyon at ma-iturn over sa QC Public School Administrators ay wala pang mga upuan para magamit na ng mga mag-aaral ang mga silid-aralan.

 Ayon kay QC Public School District Supervisor Junlever Zipangan, sa ngayon ang mga Senior High schools lamang ang hindi pa kumpleto ang gamit tulad ng mga upuan.
Maaari naman aniyang mag-request sila sa Deped NCR ng mga monoblocks.

Ito ay sa kabila na handa na ang may 152 public elementary at high schools sa QC gayundin ang may 14,000 guro para sa may mahigit 150,000 mag aaral sa public at private schools sa QC.

Pinasalamatan din ni Belmonte ang city go­vernment sa patuloy na suporta sa Department of Education- QC Department dahil sa mas mala­laki at mas madaming paaralan na naipagawa para sa mga mag aaral sa QC.

The post Joy Belmonte humirit kay Bistek ng dagdag na mga upuan sa eskuwelahan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *