Jowa, kapitbahay ginawang punching bag: Sigang tambay arestado

KALABOSO ang 24-anyos na walang trabaho na ginawang punching bag ang kanyang live-in partner at maging ang kapitbahay na babae na umawat lang sa kanya, sa Valenzuela City kahapon.

The post Jowa, kapitbahay ginawang punching bag: Sigang tambay arestado appeared first on Abante News Online.

jowa kapitbahay ginawang punching bag sigang tambay arestado - Jowa, kapitbahay ginawang punching bag: Sigang tambay arestado
ABANTE huli jail - Jowa, kapitbahay ginawang punching bag: Sigang tambay arestado

KALABOSO ang 24-anyos na walang trabaho na ginawang punching bag ang kanyang live-in partner at maging ang kapitbahay na babae na umawat lang sa kanya, sa Valenzuela City kahapon.

Nakakulong sa Valenzuela Detention Cell si Louie Alban, ng Camia Street, Dona Marciana Subdivision, Brgy. Ugong ng nasabing lungsod at nahaharap sa kasong 2 counts of physical injuries.

Kuwento ni Jean Brusola, 23, kinakasama ng suspek, bandang ala-una nang hapon, muli siyang pinagbuhatan ng kamay ni Alban.

Madalas daw siyang gawing punching bag ng live-in partner lalo na kapag nagseselos ito.

Lumapit si Brusola sa kaibigang si Sally Officio, 36, upang humingi ng tulong at kausapin na rin ang kanyang live-in partner na huwag na siyang saktan.

Pinuntahan ni Officio ang lalaki at kinausap, pero sa halip na makinig, i­numbag siya sa mukha ng huli.

Dahil sa pangyayari, nagtungo ang dalawang babae sa Police Community Precinct (PCP) 8, na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek. (Orlan Linde)

The post Jowa, kapitbahay ginawang punching bag: Sigang tambay arestado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *