Joma ‘di maaaresto ng Interpol

APAT na associate justices ng Court of Appeals (CA) ang nagsasabing hindi maaaring arestuhin ng International Criminal Police Organization (Interpol) si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria ‘Joma’ Sison dahil sakop umano siya ng international legal conventions bilang political refugee.

joma di maaaresto ng interpol - Joma ‘di maaaresto ng Interpol
joma 2 - Joma ‘di maaaresto ng Interpol

APAT na associate justices ng Court of Appeals (CA) ang nagsasabing hindi maaaring arestuhin ng International Criminal Police Organization (Interpol) si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria ‘Joma’ Sison dahil sakop umano siya ng international legal conventions bilang political refugee.

Ito ang iginiit nina CA Associate Justices Ramon Bato Jr., Japar Dimaampao, Mario Lopez, at Ricardo Rosario nang sumalang sila sa panel interview ng Judicial and Bar Council (JBC) nitong Miyerkoles, Setyembre 11, para sa puwesto ng Associate Justice ng Supreme Court (SC).

Partikular na sinabi ni Lopez na hindi madaling maaaresto ng Interpol si Sison dahil protektado umano ito ng 1951 Refugee Convention.

“And being a protected person under that convention, they are given the rights just like a person who is on asylum, and I would consider him as subject to that asylum principle under the international law. And that persona­lity which they enjoy cannot be derogated by our Philippine authority,” ayon kay Lopez.

Nakapaloob sa 1951 Refugee Convention ang karapatan ng indibidwal na ginawaran ng asylum maging ang responsibilidad ng bansa sa iginawad na asylum.

Si Sison ay nasa ilalim ng political asylum sa Netherlands.
Nagsasagawa sa ngayon ang JBC ng serye ng interview para sa mga aspirante sa dala­wang posisyon sa SC na mababakante nina SC Associat­e Justice Francis Jardeleza at SC Senior Associate Justice Antonio Carpio. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *