Jolo rubout ‘di na dapat maulit –Lorenzana

IKINATUWA ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang desisyon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na idismis ang siyam na pulis na may kinalaman sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong isang taon.

The post Jolo rubout ‘di na dapat maulit –Lorenzana first appeared on Abante.

jolo rubout di na dapat maulit lorenzana - Jolo rubout ‘di na dapat maulit –Lorenzana
Delfin - Jolo rubout ‘di na dapat maulit –Lorenzana

IKINATUWA ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang desisyon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na idismis ang siyam na pulis na may kinalaman sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong isang taon.

“We welcome (PNP) Gen. Debold Sinas’s approval of the dismissal of the nine police officers involved in the shooting incident in Jolo, Sulu on 29 June 2020, which led to the deaths of four Philippine Army officers and soldiers,” sinabi ni Lorenzana.

Pero sinabi na rin nito na nakikisimpatya siya sa pamilya ng mga pulis. Katulad ng mga namatay na mga sundalo, biktima rin rin ang mga pamilya.

“We also sympathize with the families of these nine dismissed policemen who are facing long jail terms. Their families are as much a victim of the incident as the families of the soldiers who were killed,” sinabi nito.

Sa kabila nito, sinabi ni Lorenzana na hindi naman nasira ang pagkakaisa ng AFP at PNP.

“Moving forward, we hope that the AFP and PNP learn from this incident, and take concrete steps to prevent such things from happening in the future,” pahayag nito.

Matapos masibak ay hindi na maituturing na mga pulis sina Senior Master Sergeant Abdelzhimar Padjiri, Master Sergeant Hannie Baddiri, Staff Sergeants Iskandar Susulan at Erniskar Sappal, Corporal Sulki Andaki at Patrolman Moh Nur Pasani mula sa Jolo Municipal Police Station. Na-dismiss din si Staff Sergeant Almudzrin Hadjaruddin and Patrolmen Alkajal Mandangan at Rajiv Putalan mula sa Drug Enforcement Unit (DEU) ng Sulu police.

Gayunman ay maari pang iapela ng mga ito ang naging hatol ng PNP.

Nananatili sa restrictive custody sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City ang nabanggit na mga pulis.(Kiko Cueto)

The post Jolo rubout ‘di na dapat maulit –Lorenzana first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *