Jollibee-Tan Caktiong susuka ng ₱18B sa pagbili sa Coffee Bean

Jollibee-Tan Caktiong susuka ng ₱18B sa pagbili sa Coffee Bean

Tamang gising ang Jollibee Foods Corporation na minamay-ari ni Tony Tan Caktiong.

The post Jollibee-Tan Caktiong susuka ng ₱18B sa pagbili sa Coffee Bean appeared first on Abante News Online.

jollibee tan caktiong susuka ng e282b118b sa pagbili sa coffee bean - Jollibee-Tan Caktiong susuka ng ₱18B sa pagbili sa Coffee Bean
coffebean - Jollibee-Tan Caktiong susuka ng ₱18B sa pagbili sa Coffee Bean

Tamang gising ang Jollibee Foods Corporation na minamay-ari ni Tony Tan Caktiong.

Ayon sa Jollibee kahapon, plano nitong bilhin ang The Coffee Bean & Tea Leaf na nakabase sa Los Angeles, California. Pumasok na sa kasunduan ang Jollibee para mag-invest ng $100 million sa isang bagong holding company sa Singapore para bilhin ang 100% ng CBTL.

Aabot sa $350 milyon o P17.9 bilyon ang magagastos ng Jollibee sa pagbili ng CBTL at umaasa itong makokumpleto ang pagbili sa loob ng 60 araw pagkatapos nilang pirmahan ang purchase agreement at maaprubahan ng United States Federal Trade Commission at ng Department of Justice ng Estados Unidos.

Sabi ng Jollibee, ang pagbili ng CBTL ang magiging pinakamalaki na bibilhin nito at ito rin ang may pinakamalaking reach dahil may negosyo ito sa 27 bansa. Umaasa ang Jollibee na mapalalaki ng CBTL ng 14% ang benta nito sa buong mundo at umaasa itong sa CBTL manggagaling ang 35% ng worldwide sales.

Tina-target ng Jollibee na maging top 5 restaurant company sa buong mundo.
Kung isasama pa ang nauna nang binili ng Jollibee ng Highlands Coffee, magiging mahalaga ang papel ng Jollibee sa lumalagong coffee business.

Umaasa ang Jollibee na ang CBTL ang magiging pangalawa sa pinaka malaking negosyo nito, kasunod lamang ng Jollibee brand.

Sabi ng Jollibee, nais nitong pabilisin ang paglago ng CBTL sa Asia at pasisikatin pa nila ang brand sa tulong ng network at marketing ng buong Jollibee.

Bumagsak naman ng 8% ang shares ng Jollibee nitong Miyerkoles bunsod ng malaking perang pinakawalan para mabili ang CBTL.

Kahapon inaprubahan ng board of directors ng Jollibee ang $100 milyong investment sa bagong kompanyang itatayo sa Singapore na gagamitin sa pagbili ng CBTL. (Eileen Mencias)

The post Jollibee-Tan Caktiong susuka ng ₱18B sa pagbili sa Coffee Bean appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *