Jollibee-Tan Caktiong sadsad ang kita

jollibee-chicken

BUMAGSAK ang kita ang Jollibee Foods Corp mula Abril hanggang Hunyo ngayong taon bunsod ng malaking lugi ng negosyo nilang Smashburger sa Estados Unidos at matumal na benta ng Red Ribbon.

jollibee tan caktiong sadsad ang kita - Jollibee-Tan Caktiong sadsad ang kita
jollibee chicken - Jollibee-Tan Caktiong sadsad ang kita

BUMAGSAK ang kita ang Jollibee Foods Corp mula Abril hanggang Hunyo ngayong taon bunsod ng malaking lugi ng negosyo nilang Smashburger sa Estados Unidos at matumal na benta ng Red Ribbon.

Kung noong 2018 ay kumita ang JFC ng P2.25 bilyon, bumaba ito ng 50.2 porsiyento ngayong 2019 sa P1.12 bilyon, ayon sa dineklara ng kompanya sa stock exchange.

Binawasan ng JFC ang presyo ng mga produkto ng Smashburger sa Amerika sa pag-asang lumaki ang benta nito.

Kinuha din ng kompanya ang The Coffee Bean and Tea Leaf nitong Hulyo sa halagang $350 milyon. Agad na bumagsak ang shares ng JFC sa balitang pagbili sa CBTL na noong 2018 ay nalugi ng $21 milyon.

Pero malakas ang loob ng mga opisyal ng JFC na ang investment nila sa Amerika ay aakyat din ang kita sa loob ng 12 hanggang 18 buwan.

Ang JFC ay minamay-ari ng 66-anyos na si Tony Tan Caktiong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *