Jollibee-Tan Caktiong lugi ng P1.8B

Lugi pa rin ang operasyon ng Jollibee Foods Corp. ni Tancaktiong noong 3rd quarter ng taon.

The post Jollibee-Tan Caktiong lugi ng P1.8B first appeared on Abante.

jollibee tan caktiong lugi ng p1 8b - Jollibee-Tan Caktiong lugi ng P1.8B
abante jollibee 1 - Jollibee-Tan Caktiong lugi ng P1.8B

Lugi pa rin ang operasyon ng Jollibee Foods Corp. ni Tancaktiong noong 3rd quarter ng taon.

Nag-ulat ng P1.88-bilyong lugi o net loss ang Jollibee sa disclosure ng Jollibee sa disclosure nito sa Philippine Stock Exchange, malayong malayo sa P1.8 bilyong kita o net income na iniulat nito noong 3rd quarter ng 2019.

Ang Jollibee ang pinakamalaking food chain sa bansa at malaking bagay ang pag-expand nito sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Sabi ng Jollibee, 29% ang natapyas sa benta nito noong 3rd quarter na umabot na lamang sa P29 bilyon noong 3rd quarter ng taon kung ikukumpara sa P41-bilyong benta nito nung parehong panahon nung 2019.

Ayon sa disclosure, bahagyang lumago ang revenues ng international operations ng Jollibee sa P37.9 bilyon nung katapusan ng Setyembre 2020 mula sa P35.6 bilyon nung Setyembre 2019 ngunit sadyang napakalaki ng binaba ng revenues nito sa loob ng bansa.

Ayon sa Jollibee, bumagsak ang revenues ng Philippine operations nito sa P55.6 bilyon nung Setyembre 2020 kumpara sa P93.2 bilyon nung Setyembre 2019.

Mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, umaabot na sa P14.5 bilyon ang lugi o net loss ng Jollibee samantalang nasa P4 bilyon ang kita o net income na itinala nito sa parehong panahon nung 2019. (Eileen Mencias)

The post Jollibee-Tan Caktiong lugi ng P1.8B first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *