Jollibee lugi ng P10B

Nalugi ng P10.97 bilyon ang Jollibee Foods Corporation ng bilyonaryong si Tony Tan Caktiong noong second quarter ng taong ito.

jollibee lugi ng p10b - Jollibee lugi ng P10B
abante jollibee - Jollibee lugi ng P10B

Nalugi ng P10.97 bilyon ang Jollibee Foods Corporation ng bilyonaryong si Tony Tan Caktiong noong second quarter ng taong ito.

Ayon sa datos, second quarter ng 2019 ay tumubo ang Jollibee ng P518.17 milyon.

Ayon sa disclosure ng Jollibee sa Philippine Stock Exchange, halos nangalahati ang benta nito na bumagsak sa P22.8 bilyon nung second quarter ngayong taon samantalang P41.2 bilyon naman ang benta nito nung second quarter ng 2019.

Habang bumaba ang benta nito, lumaki naman ang gastos ng kompanya.

Sabi ng Jollibee, lumago ng 10% ang general and administrative expenses nito sa P5.2 bilyon mula sa P4.7 bilyon nung second quarter nung 2019.

Dahil sa COVID-19 pandemic na kumalat na sa buong mundo mula China, maraming mga bansa at mga negosyo kabilang ang Jollibee ang kinailangang magsara para hindi na kumalat ang virus.

Masama ang negosyo ng nakaraang mga buwan ngunit naayon naman ito sa nakinita ng kompanya at pagtutuunan ng pansin ang pagpapasigla ng negosyo at pagbabago ng pagkakabalangkas nito na naayon sa panahon.

“The business results were very bad but in line with our forecasts,” sabi ni Jollibee chief executive officer Ernesto Tanmantiong. “We are not focusing on rebuilding our business moving forward along with implementing major cost improvement under our Business Transformation program.

Ayon sa Jollibee, 203 sa mga stores nito ang sinara sa buong mundo as of the end of June 2020. Ang Jollibee din ang may ari ng Chowking, Greenwich, Red Ribbon, Mang Inasal, Burger King, PHO24, at Panda Exrpress sa Pilipinas at kasama ang mga stores nito sa bilang ng mga sinara.

Dahil sa pagbubulabog ng COVID-19 sa buhay at kabuhayan ng mga tao, minabuti muna ng Jollibee na ipagpaliban ang pinaplano nitong P9 bilyon na investment na gagastusin sana sa facilities nito. Sa naunang nakaplano na P14 bilyon na capital expenditure ngayong taon, P5 bilyon na lamang ang gagastusin ng kompanya.

“In response to the disruption in the operations of the business brought by the COVID-19 epidemic, JFC is postponing about P9 billion of capital expenditures from 2020 to 2021 given the operational constraints to the construction of facilities and to the uncertain demand volume due to limited mobility of consumers,” sabi ng kompanya. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *