Job creation palakasin pa – Angara

DAPAT pang palakasin ng gobyerno ang mga job creation program nito upang mabawasan kung ‘di man tuluyang matigil ang pangingibang bansa ng mga Pilipino na nagnanais kumita ng mas malaki.

The post Job creation palakasin pa – Angara appeared first on Abante News Online.

job creation palakasin pa angara - Job creation palakasin pa – Angara
anagara 1 - Job creation palakasin pa – Angara

DAPAT pang palakasin ng gobyerno ang mga job creation program nito upang mabawasan kung ‘di man tuluyang matigil ang pangingibang bansa ng mga Pilipino na nagnanais kumita ng mas malaki.

Pahayag ito ng senador sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Cavite na kabilang sa rehiyon na may pinakamalaking bilang ng OFW na umaabot sa 484,000.

Ani Angara, nararapat lamang na paigtingin ng pamahalaan ang paglikha ng mga trabaho para naman maiwasan nang mawalay ang mga Pilipino sa kani-kanilang pamilya dahil sa paghahanapbuhay sa ibang bansa.

Dapat din aniyang may nakahandang tulong ang gobyerno sa mga OFW na magbabalik-bansa at nagnanais na dito na lamang magtrabaho.

“Importante na protektahan natin ang ating OFWs (overseas Filipino workers) at higit sa lahat, sa pangmatagalan, dapat natin silang ibalik sa bansa. Kaya dapat ang trabaho dito po sa sarili nating bansa. Hindi na po dapat naghihiwalay ang ating mga pamilya,” ayon sa mambabatas na muling kumakandidato bilang senador sa ilalim ng platapormang Alagang Angara.

Liban sa mga OFW, kabilang din sa mga dapat gawing prayoridad ng pamahalaan ang mga college graduate, partikular ang mga benepisyaryo ng Free College Law. Isa si Angara sa mga may-akda ng naturang batas na nagbibigay ng libreng pag-aaral sa kolehiyo.

The post Job creation palakasin pa – Angara appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *