Jesus Shoes na may holy water mabenta

Jesus Shoes na may holy water mabenta

NAGING maugong ngayon sa sneakerhead community ang inilabas kamakailan na sapatos na binansagang Jesus Shoes.

jesus shoes na may holy water mabenta - Jesus Shoes na may holy water mabenta
jesus shoes - Jesus Shoes na may holy water mabenta

NAGING maugong ngayon sa sneakerhead community ang inilabas kamakailan na sapatos na binansagang Jesus Shoes.

Nabatid na sold out kaagad ang 2 dosenang pares ng sapatos kahit na nagkakahalaga ng P155,000 ang kada pares.

Ayon sa MSCHF, isang product-design company sa US, may lamang holy water na mula pa sa Jordan River ang sapatos.

May nakalagay pang insoles na amoy frankincense, habang may naka­kabit namang krus sa shoelaces.

Meron pa itong rendering ng dugo na kumakatawan umano sa ‘blood of Christ’, at sa tagiliran ng sapatos ay may Bible verse — Matthew 14:25 na tumutukoy sa paglalakad ni Hesus sa tubig.

Kahit isang all-white Nike Air Max 97 ang ginamit ng MSCHF bilang canvas, hindi konektado ang Jesus Shoes sa Nike.

Gayunman, nilinaw ng MSCHF na hindi aprubado ng Simbahang Katolika ang paggawa nila ng Jesus Shoes kundi isa lamang itong troll job.

“We wanted to make a statement about how absurd collab culture has gotten,” ayon kay Daniel Greenberg, head of commerce ng MSCHF, sa isang panayam sa The New York Post. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *