Jesse Robredo legacy mananatiling buhay

PATULOY umanong nabubuhay ang legacy na iniwan ng yumaong si dating Interior Secretary Jesse Robredo dahil sa magandang pamumuno ng kanyang asawang si Vice Presidente Leni Rob­redo na may maayos na track record at good go­vernance.

jesse robredo legacy mananatiling buhay - Jesse Robredo legacy mananatiling buhay
ABANTE jessei - Jesse Robredo legacy mananatiling buhay

PATULOY umanong nabubuhay ang legacy na iniwan ng yumaong si dating Interior Secretary Jesse Robredo dahil sa magandang pamumuno ng kanyang asawang si Vice Presidente Leni Rob­redo na may maayos na track record at good go­vernance.

Ito ang pahayag ni Senadora Leila de Lima sa ikapitong taong death anniversary ni Jesse Robredo kahapon, Agosto 18.

“Mabilis lumipas ang panahon. Pitong taon na pala ang nakaraan mula nang pumanaw ang isang kaibigan at kasamahan sa paglilingkod-bayan na si Secretary Jesse Robredo,” sabi ni de Lima sa isang statement.

Ayon sa senador, hanggang ngayon, naroon pa rin ang lungkot at panghihinayang sa pagkawala ng isang tapat at huwarang lider subalit patuloy naman umanong ipinagpapatuloy ng kanyang asawa ang kanyang legasiya ng pamamahala.

“Nanatili po ang kanyang legasiya ng mabu­ting pamamahala, na siya namang patuloy na isina­sabuhay ng kanyang pamil­ya, sa pangunguna ni Vice President Leni Robredo,” dagdag nito. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *