Jeepney driver namigay ng sayote sa mga pasahero

Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nag-iisip ng paraan para makatulong sa kababayan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

The post Jeepney driver namigay ng sayote sa mga pasahero first appeared on Abante.

jeepney driver namigay ng sayote sa mga pasahero - Jeepney driver namigay ng sayote sa mga pasahero
abante sayote - Jeepney driver namigay ng sayote sa mga pasahero

Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nag-iisip ng paraan para makatulong sa kababayan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Kinwento ng netizen na si Jazee Jaz ang mabuting gawain ng jeepney driver na si Ren-ren Jazarino para sa kanyang mga maisasakay na pasahero sa Barangay Irisan, Baguio City.

Sa larawang binahagi ni Jaz, makikita na may mga nakalagay na bungkos ng sayote sa loob ng jeep, kung saan nakapaskil din ang karatula na libre itong pinamimigay para sa mga nais ng gulay.

Saad ng uploader, ang naturang sayote ay pananim ng mga magulang ni Jazarino mula Benguet, at imbes na masayang lang ay pinamimigay na lang nito sa iba.

Umuwi kasi sa Tarlac ang mga magulang ng tsuper kaya’t mas piniling ibigay na lang ang mga sayote na ani para mapakinabangan ng iba.

“Masarap po sa pakiramdam na nakakatulong. Kaysa masayang, naisip ko po na mapakinabangan ng iba at ipamigay na lang,” ayon kay Jazarino.

The post Jeepney driver namigay ng sayote sa mga pasahero first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *