Jeep sumalpok sa trak, kotse bago bumulusok sa bangin: 3 patay, 27 sugatan

Tatlo katao ang naiulat na nasawi habang nasa 27 ang sugatan kabilang ang dalawang bata na may edad isa at dalawang taong gulang at driver ng jeep makaraang mawalan ng kontrol sa manibela at sumalpok sa trak ng bumbero at isang kotse bago nahulog sa bangin, sa nangya­ring aksidente noong Huwebes nang hapon sa Tagbilaran City, Bohol.

The post Jeep sumalpok sa trak, kotse bago bumulusok sa bangin: 3 patay, 27 sugatan appeared first on Abante News Online.

jeep sumalpok sa trak kotse bago bumulusok sa bangin 3 patay 27 sugatan - Jeep sumalpok sa trak, kotse bago bumulusok sa bangin: 3 patay, 27 sugatan
ABANTE bohol - Jeep sumalpok sa trak, kotse bago bumulusok sa bangin: 3 patay, 27 sugatan

By Vick Aquino

Tatlo katao ang naiulat na nasawi habang nasa 27 ang sugatan kabilang ang dalawang bata na may edad isa at dalawang taong gulang at driver ng jeep makaraang mawalan ng kontrol sa manibela at sumalpok sa trak ng bumbero at isang kotse bago nahulog sa bangin, sa nangya­ring aksidente noong Huwebes nang hapon sa Tagbilaran City, Bohol.

Batay sa report, hu­ling nasawi si Margarito Jamisola, 75-anyos na na-confine sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital at namatay Biyernes nang umaga habang sina Feliz Berta Cabillanes, 70-anyos at Eusebia Cubian, 56-anyos ay idineklarang dead-on-arrival noong Huwebes nang hapon.

Ayon sa report, ang mga biktima ay pawang mga pasahero ng jeep na papuntang bayan ng Loay at habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Mansasa, Tagbilaran City, Bohol ay pu­malya umano ang preno ng jeep.

Sumalpok ito sa paparating na firetruck ng Baclayon Fire Station at isang Kia Pride na kotse habang pababa sa Mansasa-Dampas Road saka nahulog sa bangin habang nakaligtas naman sa pagkakahulog ang kotse.

Agad na dinala ang mga biktima na pasahero ng jeep sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City at dalawa ang naiulat na nasawi habang nasa kritikal ang kundisyon ang driver ng jeep na nakilalang si Jovelito Curangcurang at nasa 26 pa sugatan kabilang ang dalawang bata na may edad isa at dalawang taong gulang.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Tagbilaran traffic police.

The post Jeep sumalpok sa trak, kotse bago bumulusok sa bangin: 3 patay, 27 sugatan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *