Jeep nahulog sa bangin sa Apayao: 4 todas, 2 sugatan

2 bombero, 1 pulis todas sa salpukan ng bus at AUV sa Quezon

DAHIL sa kalasingan, apat ang patay habang dalawa ang malubhang nasu­gatan matapos mahulog ang overloaded na jeep sa ilalim ng tulay sa Kabugao, Apayao noong Sabado.

The post Jeep nahulog sa bangin sa Apayao: 4 todas, 2 sugatan appeared first on Abante News Online.

jeep nahulog sa bangin sa apayao 4 todas 2 sugatan - Jeep nahulog sa bangin sa Apayao: 4 todas, 2 sugatan
accident 2 - Jeep nahulog sa bangin sa Apayao: 4 todas, 2 sugatan

DAHIL sa kalasingan, apat ang patay habang dalawa ang malubhang nasu­gatan matapos mahulog ang overloaded na jeep sa ilalim ng tulay sa Kabugao, Apayao noong Sabado.

Kinilala ni Kabugao Police Station (KPS) commander P/Lt. Ana Marie Lopez, ang mga namatay na sina Ropselo Udaundo, driver ng jeep; mag-amang sina Catalino Jally , Jeric Jally at isang Laylay Bagyao, ng nasabing bayan.

Samantala, nagpapagaling ang dalawang nasugatan sa nasabing insidente.

Ayon kay Lopez, puno ng sako-sakong mais ang jeep at nasa top load ang limang sakay na pasahero nito.

Sinabi ng hepe ng KPS, na nakai­nom ng alak si Udaundo kaya’t nawalan ito ng kontrol sa manibela kung kaya’t nahulog ito sa tulay na may lalim na 15 meter sa may Brgy. Masimut ng nasabing bayan.

Dead on-the-spot ang driver si Udaundo sa loob ng jeep nito habang dead on arrival sa ospital ang iba pang biktima sa Tuguegarao City Hospital (TCH).
Samantala, nagpapagaling naman sa TCH ang dalawang sugatan. ­(Allan Bergonia)

The post Jeep nahulog sa bangin sa Apayao: 4 todas, 2 sugatan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *