Jeep nadaganan ng trak sa Quezon, 3 dedo

Tatlo ang nasawi kabilang ang isang batang babae at ang nanay nito matapos na ang sinasak­yan ng mga itong modified na passenger jeepney ay madaganan ng tuma­gilid na ten wheeler truck sa Lopez, Quezon Lunes nang hapon.

jeep nadaganan ng trak sa quezon 3 dedo - Jeep nadaganan ng trak sa Quezon, 3 dedo
2019 Abante Police Line Crime Dead Accident Car 3 - Jeep nadaganan ng trak sa Quezon, 3 dedo

Tatlo ang nasawi kabilang ang isang batang babae at ang nanay nito matapos na ang sinasak­yan ng mga itong modified na passenger jeepney ay madaganan ng tuma­gilid na ten wheeler truck sa Lopez, Quezon Lunes nang hapon.

Kinilala ng Lopez PNP ang mga namatay na sina Joy Quintao y Diaz, 36-anyos at ang anak nitong si Cascmer Balinado, 5-taong gulang, mga residente ng Jose Panganiban Camarines Norte.

Nasawi rin ang dri­ver ng jeepney na si Arden Erivera y Cabangon, 43.

Kritikal naman sa ospital ang tatay ng bata na si Francisco Balinado, 36.

Batay sa report, tinatahak ng Mitsubishi truck wing van na minamaneho ng 26-anyos na si Randy Resos ang Lopez diversion road sakop ng Barangay Danlagan patungo sa direksyon ng Maynila nang pagsapit sa lugar ng insidente ay nawalan ito ng kontrol.

Nag-overshoot ito sa kabilang lane at nabu­wal pakaliwa at eksaktong nadaganan ang kasalubong na jeepney na sinasakyan ng mga biktima.

Dahil sa mabigat na kargang mga prutas ng trak, napitpit na parang lata ang jeepney at inabot din ng ilang oras bago nahugot ang mga biktima kunsaan gumamit pa ng mga heavy equipment ang mga rescuer.

Isinugod sila sa Magsaysay Memorial Hospital subalit nasawi rin habang nasa daan pa lamang. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *