JBC naghahanap ng kapalit ni CJ Peralta

Pinayagan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang maagang pagretiro ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.

The post JBC naghahanap ng kapalit ni CJ Peralta first appeared on Abante.

jbc naghahanap ng kapalit ni cj peralta - JBC naghahanap ng kapalit ni CJ Peralta
Peralta - JBC naghahanap ng kapalit ni CJ Peralta

Pinayagan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang maagang pagretiro ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.

Kasabay nito,inihayag ng JBC na binuksan na ang pagtanggap ng aplikasyon para sa magiging bagong punong mahistrado.

Nabatid na ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon at documentary requirements ay sa Pebrero 15, 2021.

Maari umanong bumisita ang interesadong aplikante sa website ng JBC na jbc.judiciary.gov.ph at i-access ang Online Application Scheduler.

Matatandaang kinumpirma ng SC ang maagang pagreretiro ni Peralta sa Marso 27, 2021 sa kanyang ika-69 na kaarawan nito pero hindi naman nito binanggit ang rason.

Nabatid na dapat ay sa 2022 pa ang mandatory retirement ni Peralta sa edad na 70. (Juliet de Loza-Cudia)

The post JBC naghahanap ng kapalit ni CJ Peralta first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *