Javi Benitez bawal mambuntis, sumakay sa motor

Super supportive si Cong. Albee Benitez sa showbiz career ng anak niyang si Javi Benitez. At katunayan, dumaan pa siya sa mini-presscon para kay Javi last Tuesday lunch.

The post Javi Benitez bawal mambuntis, sumakay sa motor appeared first on Abante News Online.

javi benitez bawal mambuntis sumakay sa motor - Javi Benitez bawal mambuntis, sumakay sa motor
Abante javi - Javi Benitez bawal mambuntis, sumakay sa motor

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Javi Benitez bawal mambuntis, sumakay sa motorSuper supportive si Cong. Albee Benitez sa showbiz career ng anak niyang si Javi Benitez. At katunayan, dumaan pa siya sa mini-presscon para kay Javi last Tuesday lunch.

May pelikula na nga kasi si Javi, ang “Kid Alpha One”, na sa trailer pa lang, kitang-kita na kung gaano katindi ang action scenes.

Sina Jet Li, Jackie Chan, Bruce Lee nga ang peg ni Javi, na gusto niyang tularan. Ang kaalaman niya sa martial arts nga ang gusto niyang i-showcase sa mga manonood.

Si Sue Ramirez nga ang leading lady ni Javi sa movie na ito, at puring-puri nga niya ang aktres.

“May pagka-rockstar siya. Hindi siya mahirap katrabaho. Sa concert niya, kung wala akong ta-ping, manonood talaga ako sa kanya,” sabi ni Javi.

Ang balita ko ay aabutin ng P30M ang budget ng movie na ito ni Javi, ha! At naniniwala nga ang tatay ni Javi, na kung bibigyan talaga ng tamang budget, maayos na promotion ang isang pelikulang aksiyon, magugustuhan ito ng mga Pilipino.

Anyway, masarap kausap si Javi, na tipong no holds barred nga, na kahit anong tanong ay sinasagot. Sinabi nga ni Javi na dalawang bagay lang ang hindi niya dapat gawin ngayon, na ayon na rin sa utos ng kanyang ama, at ‘yun ay ang sumakay sa motorsiklo, at makabuntis na hindi pa siya kasal.
Pero, paano nga ba niya napapayag ang kanyang mga magulang na mag-showbiz? Nag-aral siya sa ibang bansa, at inaasahan ng lahat na ang politika ang papasukin niya.

Kuwento ni Javi, sinubukan lang niyang mag-workshop sa Star Magic, at sabi ng parents niya, kung magugustuhan daw niya, ituloy niya, pero kung hindi, bumalik na lang siya sa pagnenegosyo, o corporate world.

Bianca Valerio tagumpay sa balik alindog

Fairy godmother ang tawag ng social media elite personality, events host, motivational speaker and former model na si Bianca Valerio kay Dra. Vicki Belo. Si Bianca nga ang face of Belo 360° Liposuction.

Kuwento ni Bianca, matinding depresyon ang pinagdaanan niya dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang utol noong 2017. Ang pagkain daw ang pinagbuhusan niya ng atensiyon nu’ng mga panahon na ‘yon.

Meaning, napabayaan niya ang katawan niya, at umabot sa punto na nadagdagan siya ng 30, na wala na ngang magkasyang mga damit sa kanya.
“I acknowledged the problem. I knew I was in a crisis and I had to take control,” she said. And then her journey began with the realignment of her wellness goals. She went back to the gym and slowly shed off those unwanted pounds. As she gets back into shape, Bianca admits that her perspective positively changed along with it.

“I started feeling better in general. Instead of wallowing in pity for myself and my family because of my brother’s loss because he was supposed to be the one to continue the legacy of my parents, I also began to learn life lessons along the way and discover new strengths from within me. I was on the road to recovery and I knew I needed to see this transformation through,” sabi pa niya.

At nakasama nga niya si Dr. Vicki Belo sa laban na ito.

“She’s my answered prayer. She introduced me to Belo 360° Liposuction, a fat removal procedure that’s minimally invasive and less aggressive than traditional liposuction. This consultation led me to my revenge body now,” sabi pa ni Bianca, na ang kaseksihan nga ngayon ay 34-24-38.

“I feel confident and validated. Why didn’t I do this sooner? But more than that, I found enough encouragement to love myself again, to see myself in a whole new light, and to want to care for myself better.”

Find out how Belo 360° Liposuction can change your life. Call 819-2356.

The post Javi Benitez bawal mambuntis, sumakay sa motor appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *