Japanese national nakabitay sa condo

INIIMBESTIGAHAN ng Marikina Police kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng isang 70-anyos na Japanese national makaraang makitang naka­bitin sa kisame gamit ang nylon cord na nakapulupot sa leeg nito, Biyernes nang umaga sa loob ng kanyang condo sa Marikina City.

japanese national nakabitay sa condo - Japanese national nakabitay sa condo
abante suicide 1 - Japanese national nakabitay sa condo

INIIMBESTIGAHAN ng Marikina Police kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng isang 70-anyos na Japanese national makaraang makitang naka­bitin sa kisame gamit ang nylon cord na nakapulupot sa leeg nito, Biyernes nang umaga sa loob ng kanyang condo sa Marikina City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), natagpuang patay si Hisashi Onodera, 70-anyos, sa loob ng kanyang condominium unit sa Room 1008, 10th floor, Cordova Tower Marquinton Residences, Barangay Sto. Nino, bandang alas-10:15 Biyernes nang umaga.

Isang kaibigan na si Salvacion Cosca y Eliquilo, 59-anyos ang nakakita sa bangkay ng biktima na nakasabit sa kisame na may nakapulupot na nylon cord sa leeg nito nang ito ay kanyang puntahan para singilin sa monthly amortization.

Isang suicide letter ang nakita sa lugar na kung saan nakararanas umano ng depression ang matanda simula nang mamatay ang asawa noong Abril 10, 2019.
Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang Marikina Police kaunay sa kaso. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *