Japanese governor nag-Tagalog para sa mga Pinoy

Sa lengguwaheng Tagalog nagbigay ng mensahe para sa mga Pilipinong residente sa Tokyo ang isang Japanese governor.

The post Japanese governor nag-Tagalog para sa mga Pinoy first appeared on Abante.

japanese governor nag tagalog para sa mga pinoy - Japanese governor nag-Tagalog para sa mga Pinoy
Yuriko Koike - Japanese governor nag-Tagalog para sa mga Pinoy

Sa lengguwaheng Tagalog nagbigay ng mensahe para sa mga Pilipinong residente sa Tokyo ang isang Japanese governor.

Pinaalalahanan niya ang mga Pilipino sa Japanese capital tungkol sa pag-obserba pa rin sa mga safety measure laban sa COVID-19 sa papalapit na holidays.

“Kahit tayo’y nasa mga pagtitipon at pagdiriwang, lagi pa rin nating isagawa ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask, pagsunod sa social distancing, at pag-iwas sa Three Cs (closed places, crowded spaces, and closed-contact settings),” maririnig na sabi ni Gov. Yuriko Koike sa 39 segundong clip na inilabas sa YouTube channel ng Tokyo Metropolitan Government noong Nov. 13.

“Magtulungan po tayo na maprotektahan ang ating mga mahal sa buhay, ayon sa slogan na ‘iwasang mahawa at huwag manghawa,’” dagdag niya.

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 20,000 views ang video.

The post Japanese governor nag-Tagalog para sa mga Pinoy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *