Japan trip pinutol: Sakit sa likod ininda ni Digong

NAPAAGA ang pag-uwi sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang biyahe sa Japan dahil sa iniindang sakit sa kanyang spinal column mula sa pagkaaksidente sa motorsiklo noong Oktubre 17, 2019.

japan trip pinutol sakit sa likod ininda ni digong - Japan trip pinutol: Sakit sa likod ininda ni Digong
duterte 112 - Japan trip pinutol: Sakit sa likod ininda ni Digong

NAPAAGA ang pag-uwi sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang biyahe sa Japan dahil sa iniindang sakit sa kanyang spinal column mula sa pagkaaksidente sa motorsiklo noong Oktubre 17, 2019.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na uuwi na ngayong Martes nang gabi ang Presidente at nakatakdang magpakonsulta sa kanyang neurologist ngayong Miyerkoles.

Dahil dito, hindi na dadalo si Pangulong Duterte sa state banquet ng Japanese emperor sa Imperial Palace at si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na ang magiging kinatawan nito sa okasyon.

“The Palace announces that the President will cut short his trip to Japan due to unbearable pain in his spinal column near the pelvic bone as a consequence of his fall during his motorcycle ride last Thursday, October 17, 2019,” ani Panelo.

Sa kabila ng matinding sakit na iniinda ng Pangulo sa kanyang likod ay nagawa pa rin ani­ya nitong makadalo sa enthronement rites ni Emperor Naruhito gamit ang kanyang tungkod.

Tiniyak naman ni Panelo sa publiko na walang dapat ipag-alala sa pisikal na kondisyong pangkalusugan ni Pangulong Duterte dahil prayoridad nito ang pagsilbihan ang samba­yanan.

Makikita sa ilang inilabas na larawan ni Senador Bong Go na may tungkod na hawak ang Pa­ngulo habang naghahanda sa pagdalo sa seremonya ng enthronement ni Emperor Naruhito.

Sa isang text message ni Senador Go, sinabi nitong masakit ang likod ng Pangulo na epekto ng nangyari sa kanya noong nakalipas na linggo kaya ito gumamit ng tungkod. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *